552 PULIS SA NBP. Ano kaya ang binabalak ni BuCor Chief Gerald Bantag?

Manila, Philippines – Nagtalaga ng 552 ng mga pulis mula sa National Capital Region Police Office sa loob ng New Bilbid Prison bilang kapalit ng may 300 jail officer ng Bureau of Correction (BuCor) na ni-relieve bilang hakbang para matigil umano ang iregularidad sa loob ng bilanguan.

Ayon kay NCRPO chief, Major General Guillermo Eleazar, ang pangtangal sa may 300 jail officer ng NBP ay bilang bahagi ng pinaiiral nilang “internal cleansing” kasunod na pumutok na kontrebersiya sa umano’s “special treatment” sa mga may perang bilanggo at patuloy nap ag-oopertae ng mga drug lords na nakakulong.

“Director-Gerald Bantag has asked for assistance because he is looking for personnel he could trust. That is why we decided to extend help by providing him with the initial manpower he wants to secure the NBP since the location of the NBP is within the jurisdiction of NCRPO,” pahayag ni Eleazar.

Inihayag din ni Eleazar na ang mga tinanggal na jail officer ay isasailalim din sa imbestigasyon sa possible nilang kaugnayan sa operasyon ng illegal na droga at iba pang anomalya sa Bilibid.

Sinabi pa ni Eleazar na ang mga nakatalaga sa ‘maximum security compound’ na jailguards ang unang tinanggal habang isusunod rin ang paglilinis sa medium at minimum security compounds.

Nakatakda ring sumailalim sa pagsasanay at ‘refresher’ ang mga tauhan ng NCRPO sa mga polisiya at tungkulin sa NBP habang mahigpit ang bilin ni Eleazar na labanan ang lahat ng uri ng katiwalian sa kulungan.

“Huwag ninyong sisirain ang mataas na tiwala sa atin ng pinuno ng Bureau of Coreections, Narito tayo upang tulungan siyang maipatupad ang utos ng ating commander-in-chief na si President Rodrigo Duterta to wipe out  corruption and illegal activities here at Bilibid,” babala ni Eleazar sa mga pulis na itinalaga sa NBP. I

“ Ang pagsasaayos  ng pamamalakad sa New Bilibid Prison would be your greatest contribution to the Bucor, to PNP, and to the Philippine government. Take this as your chance to prove your worth as police officers, to show the public how discipline and determined NCRPO personnel are,” dagdag paalala pa ni Eleazar sa mga naturang pulis.

Sinabi rin ni Eleazar na sila ay gumawa rin ng ilang hakbangin upang masiguro na ang mga pulis na nakatalaga sa NBP ay hind imaging corrupt kagaya ng intensified intelligence at monitoring. 

James I. Catapusan

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
Remate
552 pulis ng NCRPO, inilagay sa NBP