BREAKING NEWS: “Alam na rin ni Presidente…” — Ex-PNP, Mayor Benjamin Magalong

Manila, Philippines – Inako ni former police official Benjamin Magalong na nasa kanya ang ‘full support’ ni President Rodrigo Duterte matapos niya umanong ibulgar ang isyung kinasasangkutan ng hepe ng Philippine National Police (PNP).

“Alam na rin ni Presidente kung anong katotohanan d’yan. Andoon naman ako, andoon din si Aaron Aquino na nakipag-usap at alam niya, inilahad naman namin lahat sa kaniya,” saad ni Magalong.

“Isa lang ang masasabi ko, full support siya sa amin,” dagdag pa nito sa isang panayam.

Sa kabilang banda naman sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na pinagkakatiwalaan pa rin ng Pangulo si Albayalde.

“Mabuti pa siguro kung si Secretary Panelo e tanungin niya talaga iyong saloobin ng Presidente… Ayaw ko namang mag-speculate kung saan nanggagaling iyong kaniyang information, kung totoo nga bang nakikipag-usap siya sa Presidente,” paliwanag pa ni Magalong.
 
“Pero kung titingnan mo naman, maraming okasyon na mali rin iyong kaniyang mga nasasabi. Pero trabaho iyan ng spokesman e, intindihin na lang natin siya.” 

Remate News Team|FGDC

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
Remate
Magalong kumpiyansa sa ‘full support’ ni PDu30