HULI KA BALBON! Babae at Lalake na Online Seller ng illegal drugs, gumagamit din ng Facebook Messenger…

HIMAS rehas ang isang babae at kasabwat nito na nagbebenta diumano ng shabu gamit ang social media, sa buy-bust operation sa Lucena City, Huwebes nang umaga.

Kinilala ng pulisya ang mga naaresto na sina Mary Rose Barrios, 34-anyos, at Marlon Macalinao, 22, parehong residente ng Brgy. Ibabang Dupay.

Batay sa report kumagat ang mga suspek sa patibong ng mga awtoridad at sa tulong ng isang police asset, nakabili ang mga operatiba ng isang sachet ng shabu mula sa mga ito.

Hindi na nakapalag ang dalawa ng posasan ng mga nakasibilyang tauhan ng Lucena Police sa ope­rasyon na ginawa sa Purok Happy Valley, Brgy. Ibabang Dupay, sa nasabing lungsod.

Narekober sa mga ito ang tatlo pang sachet ng shabu na may timbang na 1.22 gramo at nagkakahalaga ng P2,257.

Ayon pa sa impormasyon, sinasala muna ng mga suspek ang kanilang mga parokyano sa pamamagitan ng messenger chat at hindi kaagad nakikipagtransaksyon sa mga hindi nila kabisadong buyer.

— Ronilo Dagos

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
Abante
2 online seller ng shabu timbog sa Lucena