8-6 Vote pabor kay Marcos? Chief Justice Lucas Bersamin may mensahe sa Publiko…

Manila, Philippines – Itinanggi ni Chief Justice Lucas Bersamin noong Huwebes ang bali-balitang may “8-6 vote in favor” ang Supreme Court, nakaupo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET), sa electoral protest na isinampa ng kumandidatong si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban kay Vice President Leni Robredo.

 “You ask the columnist what her or his basis. I cannot confirm or deny that because he must know more than I do. That’s the bad part about it. There is no definite voting yet or anything that happened in that particular case,” ani Bersamin sa mga reporter noong Huwebes sa isang event sa Maynila.

Kinumpirma naman ni SC Spokesperson Brian Keith Hosaka noong nakaraang buwan na isinumite ni Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa ang kanyang report ukol sa  revision and recount of ballots sa 3 pilot provinces na pinili ni Marcos – Iloilo, Camarines Sur, at Negros Oriental, na mayroong 5,417 voting precints. 

Hinimok naman ng kampo ni Robredo ang tribunal para ibasura ang electoral protest, sinasabing ang bise presidente ay nadagdagan pa ng 15,000 na boto.

Pinapayagan ng Rule 65 ng PET ang tribunal na idismiss ang electoral protest kung hindi makakapagpakita si Marcos ng substantial recovery sa 3 designated pilot provinces.

Hindi pa nakakapagbahagi ng detalye ang PET tungkol sa nasabing report at kahit si Bersamin mismo ay hindi makumpirma kung gaano ito kahaba ito.

Ipinaliwanag din ni Bersamin na hindi obligado ang tribunal para i-approve ang report.

“When a report is issued, it does not necessarily mean that we have already to consider that report, approve it, adopt it etc… It’s not automatic, otherwise we will not be a deliberative body, a collegial body,” ani niya.

Dinagdan din nito na hindi porke ang isang kaso ay nasa agenda ng SC en banc, ay makakapag-lead na ito sa isang resolusyon.

Hindi rin makumpirma kung ang deliberasyon at botohan sa electoral protest ay mangyayari sa Martes, Oktubre 8, o bago ang kanyang retirement sa Oktubre 18.

“I do not know. My retirement does not demand from the other justices that we should act on any kind of case. [The Supreme Court] is bigger than any single justice. I do not like to say na my retirement has no value but I would also like to say that we must respect the opinion of 14 others. The one who is retiring is only one of 15 so unimportant ‘yan (that’s unimportant),” ani Bersamin

Inilalaban ni Marcos ang ‘massive cheating’ na naganap noong 2016 vice presidential polls kung saan natalo siya kay Robredo ng 260,000 votes.

Itinanggi ni Robredo ang alegasyong pandaraya.

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
Remate
‘8-6 vote pabor kay Marcos sa electoral protest’ sa SC, itinanggi ni Bersamin