Ito ang Mensahe ni Vladimir Putin ng Russia kay Pangulong Duterte…

Manila, Philippines – Itinuturing ng Russia na isang mahalagang kakampi ang Pilipinas sa Asya.

Pinuri ni Russian President Vladimir Putin ang Pilipinas at si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa muli nilang pakikipagkita.

“I would like to highlight that the Philippines is a very important partner of Russia in Asia. Our bilateral cooperation is constructive and mutually beneficial,” ayon kay Putin.

Ikinuwento ni Putin ang unang pagdalaw ng Chief Executive sa Russia, kung saan kinailangan paikliin ng huli dahil sa terror attack sa Mindanao.

Sinani nito na hanga siya kay Pangulong Duterte dahil napalakas umano nito ang puwersa ng militar sa Pilipinas sa nakalipas na dalawang taon.

Ikinuwento rin ni Putin ang matatag na pagsasamahan ng dalawang bansa pagdating sa ekonomiya.

“Last year, our trading has grown two-fold. So it was more than 1.2 billion dollars. And Russian export also grew four-fold,” anito sabay sabing “We have major reserves in place and Russian companies are ready to increase the supplies of energy carriers, aircraft, transport, special equipment.” 

Kris Jose

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
Remate
Pinas, mahalagang kakampi ng Russia-Putin