DOLE, gumagawa na ng paraan upang mabigyan ayuda ang 500 workers ng Star City…

Manila, Philippines – Gumagawa na ng paraan ang Department of labor and Employment (DOLE) upang mabigyang ayuda ang 500 mangagagawa na apektado ng malaking sunog sa Star City noong Miyerkoles. 

Sa ngayon ay bumubuo ng P5.5 milyon para sa emergency employment assistance sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhaysa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program, upang ipagkakaloob sa mga apektadong manggagawa para sa dalawang buwan. 

Ang TUPAD ay ang emergency employment program para sa mga nawalan ng trabaho, underemployed, at seasonal workers. 

Ang nasabing ayuda ay kahalintulad sa ipinagkaloob sa mga manggagawa na naapektuhan ng sunog sa NCCC Mall sa Davao City noong nakaraang taon, maging ang mga naapektuhan ng pagputok ng Mayon Volcano noong 2018, at gayundin ang anim na buwan ng pagsasara ng Boracay.

Base sa inisyal na ulat na isinumite ni OIC Assistant Secretary Dominique Rubia-Tutay  at pagsusuri ng Quick Response Team (QRT) ng DOLE National Capital Region (NCR), mahigit 500 employees aang mawawalan ng trabaho o ang nasa sitwasyon ng ‘no work, no pay’.

Upang matulungan ang mga naapektuahng manggagawa, magsasagawa ng profiling at assessment ang Public Employment Service Office (PESO) sa Pasay sa mga nawalan ng trabaho para sa potensya na alternatibiong trabaho. 

Jocelyn Tabangcura-Domenden

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
Remate
P5.5M emergency assistance para sa Star City workers, ilalaan ng DOLE