BREAKING NEWS: Bata ni Albayalde, ipinapakulong sa kasong contempt ng Senado…

Manila, Philippines – Ipinakukulong sa kasong contempt ng Senado ang isang pulis na dating tauhan ni Philippine National Police (PNP) chief, Director-General Oscar Albayalde dahil sa patuloy na pagsisnungaling hinggil sa naganap na anti-drug operation sa Pampanga noong 2013.

Sa manipestasyon sa ginanap na pagdinig sa Senado, hiniling ni Senador Panfilo Lacson, na kasuhan ng contempt si Police Major Rodney Raymond Louie Baloyo, intelligence chief ng Pampanga Police Office kaya ipakukulong ito sa Pasay City Jail.

Iniimbestigahan ng Senate committee on justice and human rights na pinamumunuan ni Senador Richard Gordon hinggil sa naganap na “agaw-bato” sa lalawigan noong 2013.

“I move to cite in contempt of the committee Major Baloyo. Kapag nagsinungaling kay, pag-inulit ang tanong, iba ang sagot mo. Magkakabuhol-buhol ka kapag hindi totoo ang sinasabi mo,” ayon kay Lacson.

Sinegundahan naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang manipetasyon ni Lacson.

 “For consistently giving answers which are evasive, very evasive answers, we second,” ayon kay Drilon.

Kasunod nito, ideneklara ni Gordon ang kasong contempt laban kay Baloyo.

Ayon kay Gordon, ikukulong si Baloyo sa Pasay City Jail tulad ni dating Bureau of Corrections chief Nicanor Faeldon.

Pinangunahan ni Baloyo ang isang anti-drug operation sa Pampanga noong 2013 na kung saan kinasuhan siya kasama ang 12 pang tauhan ng grave misconduct pero na-demote lamang.

Bago, ma-contempt si Baloyo, sinabi ni Lacson na kanilang pinagmamasdan ang demeanor ni Baloyo kaya natuklasan nila ang kasinangulingan nito.

“We are triying to observe your demeanor. When you reply, kung tentative ka, iniisip mo ano ang isasagot mo. Pag ganyan ang sagot, hindi totoo, inimbento lang,” giit ni Lacson.

Napatunayan pa ni Lacson na nagsisinungaling si Baloyo nang pabulaanan ni PO2 Anthony Lacsamana na siya ang nagsagawa ng suerveillance sa lugar na nilusob nila.

“Hindi po ako nagsagawa ng surveillance kasi hindi ako pumasok noon,” ayon kay Lacsamana. 

Ernie Reyes

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
Remate
Bata ni Albayalde, na-contempt ng Senado sa pagsisinungaling