Mamuhunan, Bring Jobs to the Philippines — Mensahe ni Pangulong Duterte sa Top Oil Producer ng Russia

Manila, Philippines – Humirit si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa top oil producer ng Russia na mamuhunan sa Pilipinas.

Ang pakiusap na ito ng Pangulo ay idinaan niya sa pakikipagpulong o miting niya kay Rosneft Oil, chief executive officer Igor Sechin sa Moscow.

“The President invited Rosneft, the leader in the Russian oil sector, to invest in the Philippines, particularly with regard to oil and gas development,” ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Tiniyak naman aniya ni Pangulong Duterte sa mga opisyal ng Russian firm na ang ligtas ang kanilang negosyo o pamumuhunan sa Pilipinas.

“We wish to add that the Chief Executive underscored that any agreement that will be executed or performed for such purpose shall undergo the proper domestic processes and comply with applicable laws and pertinent rules and regulations so as not to leave any room for corruption or irregularity,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, kasama ni Pangulong Duterte sina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., Executive Secretary Salvador Medialdea, Finance Secretary Carlos Dominguez III, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Energy Secretary Alfonso Cusi, National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., Sen. Christopher “Bong” Go, at Philippine Ambassador to the Russian Federation Carlos Sorreta sa nasabing miting.

Si Pangulong Duterte ay nasa Russia para sa bilateral meeting kay President Vladimir Putin makaraan na ang first trip nito sa Russoa ay ma-cut short noong Mayo 2017 dahil sa terror attack sa southern Philippines dahilan upang mapuwersa siyang bunalik ng bansa. 

Kris Jose

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
Remate
Top oil producer ng Russia, hiniritan ni PDu30 na mamuhunan sa PH