Inirekomenda naman ang piyansang P612,000 ng Korte para sa pansamantalang paglaya ng mga Suspek…

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang dating empleyado ng WellMed Dialysis Center na nagbunyag sa isyu ng umano’y ghost claims ng clinic sa PhilHealth, Huwebes.

Kinilala ang dalawang dating empleyado ng WellMed Dialysis Center na sila Liezel Aileen de Leon at Edwin Roberto sa magkahiwalay na lugar sa Barangay Nova Proper sa Novaliches, Quezon City na natimbog sa bisa ng mga warrant of arrest na isinilbi ng Quezon City Metropolitan Trial Court (MTC) Branch.

Inirekomenda naman ang piyansang P612,000 ng korte para sa pansamantalang paglaya ng mga suspek.

Hawak na ng kustodiya ng Quezon City Police District sina De Leon at Roberto na nahaharap sa mga kasong swindling o estafa, falsification of public employee o notary of ecclesiastic minister, at falsification by private individual and use of falsified documents. 

Remate News Team|FGDC

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
Remate
Ghost claims sa Philhealth: 2 whistleblower, timbog