Nais lamang niyang protektahan ang Bansa laban sa mga nais na ito ay sirain…

Manila, Philippines – Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang drug war ng kanyang administrasyon.

Pinanindigan ng Chief Executive ang paraan ng paglaban sa kriminalidad ang kampanya ng kanyang gobyerno kontra sa iligal na droga.

Sa harap ng forum na Valdai Discussion Club sa Sochi, Russia araw ng Huwebes ay sinabi nito sa mga high-profile na mga pulitiko at eksperto na nais lamang niyang protektahan ang bansa laban sa mga nais na ito ay sirain.

“We only seek to curb criminality that corrodes the very structure of government… Is this not something all nations are entitled to,” ayon kay Pangulong Duterte.

Sa kabilang dako, kinastigo ng Chief Executive ang kanyang mga kritiko.

Aniya, ang mga tutol sa drug war ay “misguided and self-serving crusaders.”

Sa katunayan ay may ilang sektor na nagsasabing kaibigan nila ang Pilipinas ay hindi talaga alam ang mga problema ng bansa.

“Some so-called friends act like they know our problems, impervious to our specific socio-economic and political conditions. They create rules and norms for almost everyone,” ani Pangulong Duterte. 

Kris Jose

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
Remate
War on drugs ng Duterte admin, ipinagtanggol ni PDU30 sa Russia