RUSSIA UPDATE: Ang mga Makasaysayang Unang Pagkakataon na nangyari sa pagitan ng Pilipinas at Russia…

Manila, Philippines – Mas pinagtibay ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang commitment ng Pilipinas na magkaroon ng malakas na ugnayan sa Russia.

Ikinuwento ng Punong Ehekutibo ang mga makasaysayang unang pagkakataon na nangyari sa pagitan ng Pilipinas at Russia.

Bumalik aniya siya sa Russia para palakasin ang partnership ng dalawang bansa.

“I am here today to reaffirm our strong commitment to build a robust and comprehensive partnership with the Russian Federation,” ayon kay Pangulong Duterte.

Mas tumibay aniya ang ugnayan ng Pilipinas at Russia sa iba’t ibang larangan gayundin ang kooperasyon ng dalawang gobyerno kabilang sa ekonomiya, seguridad at militar.

“In the past two years, we have seen a dramatic increase in bilateral activities across many areas of cooperation at various levels of government. We have also made historic firsts in the key strategic areas from economic defense, security and military technical cooperation,” anito.

Kaya nga, mahalaga aniyang mapanatili ang nasabing mga dayalogo at palakasin ang mekanismo para lalong lumakas ang pundasyon ng lumalakas na relasyon ng dalawang bansa. 

Kris Jose

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
Remate
PDU30, mas pinagtibay ang malakas na ugnayan sa Russia