Pabor ba kayo sa Pagsasapribado ng magiging Kulungan ng Crime Convicts?

Manila, Philippines – Iminungkahi ni Senador Francis”Tol” Tolentino sa pamahalaan na pag-aralan ang panukalang isapribado ang itatayong regional jail center tulad ng National Bilibid Prison na kasalukuyang nakabinbin ngayon sa Senado.

Sa pahayag, sinabi ni Tolentino na mas malaki ang matitipid ng pamahalaan sa pagsasapribado ng regional jail center na magiging kulungan ng non-heinous crime convicts.

“Napapanahon ang ating mungkahi lalo na’t masyado nang masikip ang ating kulungan kumpara sa katulad na kulungan sa ibang bansa tulad ng Amerika at sa Asya,” ani Tolentino.

“Para lamang ito sa non-heinous crime convicts,” giit pa niya.

Nilinaw ni Tolentino na hindi na bago ang kanyang panukala dahil ipinatutupad na ito sa bansang Australia, Japan, Thailand, Mexico, Peru, South Africa, United Kingdom at New Zealand.

“Sa kaso ng New Zeland, nabawasan ng kalahati ang gastusin ng pamahalaan sa mga bilanggo dahil sa privatization,” paliwanag ni Tolentino.

Sinabi ni Tolentino na gagamitin sa pagpapatayo at operasyon ng regional jail center sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP) program  na gobyerno ang gagastos sa gusali, at pribadong sector ang magpapatakbo.

“The State can allow the private sector to completely build even on a PPP program from ground up, all the facilities including the landscaping at no expense to the government and the private sector will just maintain the non-sovereign functions (like) laundry, postal services, (but the prison facilities) will be still be guarded by the Bureau of Corrections,” ayon kay Tolentino. 

Ipinanukala din ni Tolentino na puwede din gamitin  ang pamahalaan ang joint venture agreement ng gobyerno at pribadong sector.

“The private sector constructs at no expense to the government, the government maintains, but some functions will be given to the private sectors for a certain fee,” giit ni Tolentino. 

Ernie Reyes

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
Remate
Privatization ng regional NBP, isusulong ni Tolentino