Pawang mga “Rabid Fans” ni Pangulong Duterte…

Manila, Philippines – Siniguro ng Malakanyang na walang ginastos kahit isang sentimo ang gobyerno sa mga Filipino celebrity na sumama kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Russia.

Ang mga ito ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo ay pawang mga “rabid” fans ng Pangulo.

Nagpalabas ng kalatas ang Malakanyang sa usaping ito matapos na mag-post ang isang overseas Filipino worker sa Moscow ng mga litrato at video sa Facebook ng mga artista na sina Cesar Montano at Philip Salvador at ang komikerong si Moymoy ng Moymoy Palaboy sa Russian capital.

“With regard to the showbiz people who are here, as far as I know, when they entertain the Filipino community while waiting for the arrival of the President, they are not paid,” ayon kay Sec. Panelo.

Aniya, ginawa na rin ng mga nabanggit na artista ang sumama kay Pangulo noong presidential campaign.

Nagkataon aniya na ang mga ito ay “genuine and rabid fans” ni Pangulong Duterte.”

Ang Pangulong Duterte ay may five-day visit sa Russia kung saan ay kasama sa kanya g iskedyul ang makapulong ang Filipino community.

Sa kabilang dako, sinabi ng Philippine Embassy sa Russia na ang Philippine Madrigal Singers at ang Bayanihan Dance Troupe ay magpe- perform sa event na gaganapin sa Exhibition of Achievements of the National Economy (VDNKh) sa Moscow.

Ang mga artista at performers ay magugunitang nag-perform rin sa miting ni Pangulong Duterte sa Filipino community sa Japan noong Mayo. 

Kris Jose

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
Remate
Mga artistang kasama ni PDU30 sa Russia, hindi ginastusan ng gobyerno