PANTY SA NITSO. 2 Menor de Edad, ginalaw ang Bangkay sa Sementeryo…

(Editor’s Note: May mga tinatalakay na karumal-dumal na krimen at hindi pambatang paksa ang artikulong ito. Mahalaga ang wastong paggabay sa mga wala pa sa tamang edad o disposisyon para magbasa o umintindi ng ganitong mga bagay.)

DIGOS CITY—Dinakip nitong Miyerkoles ang 2 menor de edad na itinuturong sumira sa nitso at lumapastangan umano sa isang bagong libing na bangkay sa pampublikong sementeryo lungsod na ito.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, Sabado nang ilibing ang bangkay. Linggo ng hapon nang makita ng guwardiya ng sementeryo na sira na ang harap ng nitso. Nakalabas na rin ang bahagi ng kabaong at naka-krus ang paa ng bangkay na nakapatong sa kabaong.

Dagdag pa ng guwardiyang si Raymundo Loyola, nakita rin niya ang panty ng bangkay sa tabi ng nitso. Dahil dito, nagduda ang ibang nakakita na minolestya pa ang bangkay ngunit walang makapagpatunay rito dahil walang mga saksi.

Itinanggi naman ng isa sa mga suspek ang paratang sa kanila. Humingi na ng tawad sa pamilya ng biktima ang mga magulang ng mga menor de edad pero hindi umano sila naniniwala sa mga paratang laban sa mga ito.

Naalarma naman ang lokal na pamahalaan dahil sa insidente. Ito na umano ang ikalawang beses na may insidente ng pagsira sa nitso kaya ipagbabawal na ang pagpasok sa sementeryo paglampas ng alas-5 ng hapon. Papataasan na rin umano ang bakod ng sementeryo.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development ang 2 menor de edad.

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
ABS-CBN
2 teenager arestado matapos lapastanganin umano ang bangkay