MAS MALAKI DAPAT! Dept. of Energy humihingi ng paliwanag sa ilang kompanya ng langis…

Manila, Philippines – Pinagpapaliwanag na ng Department of Energy ang mga kompanya ng langis tungkol sa ikinasa nilang oil price rollback ngayong linggo. 

Ayon sa kagawaran, tiwala anila sila na mas malaki pa dapat ang naging kabawasan sa presyo ng mga produktong petrolyo.

“In view of the apparent difference in the oil price rollback calculations between the DOE and oil firms, we issued show-cause orders to 13 oil companies,” ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi sa isang panayam.

Kailangan aniyang maisumite ng mga kompanya ng langis ang kanilang paliwanag sa darating na Lunes, Oktubre 7.

Sa pahayag ni Phoenix Petroleum senior vice president for External Affairs Raymond Zorilla, handa silang tumugon sa utos ng DOE kahit pa ‘deregulated market’ ang industriya ng langis.

Nagpahayag din si Assistant Secretary Leonido Pulido III na batay sa kanilang komputasyon, dapat aniyang mas mataas ng P0.22 ang rollback sa gasolina at P0.06 na dagdag pa dapat sa diesel kada litro.

 “We want them to explain it. Hindi naman po namin sinasabi na mali sila, but we want to give them the opportunity to explain to us bakit po ganoon,” giit ni Pulido.

“Our actions support our mandate to protect consumer welfare and ensure fair oil industry practices,” saad naman ni Cusi. 

Remate News Team|FGDC

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
Remate
Oil price rollback: DOE humihingi ng paliwanag sa ilang kompanya ng langis