Pinsala ng sunog sa Star City, pumalo sa P 1 Billion…

Manila, Philippines – Umabot na sa P1 bilyon ang pinsala ng naganap na sunog sa Star City sa Pasay.

Ayon kay Ed de Leon, tagapagsalita ng Star Parks Corporation, lahat ng indoor rides ng ay naabo.

Sa tala naman ng Bureau of Fire Protection (BFP), umabot sa 80 hanggang 90 porsyento ng Star City ang natupok ng apoy.

Sa pahayag ni Atty. Rudolph Steve E. Jularbal, Vice President ng Legal and Regulatory Compliance Group ng Star City, wala aniyang brason para paniwalaang sinadya ang sunog.

Dagdag pa ni Jularbal, ang isang tweet na nag-viral na may nakalagay na ‘Star City is dying’ ay tungkol sa isang American television series.

Samantala, sinabi naman ni de Leon na sisikapin pa ring magbukas ng Star City ngayong taon ngunit dedepende ito sa assessment ng kanilang engineers. 

Remate News Team|FGDC

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
Remate
Pinsala ng sunog sa Star City, pumalo sa P1B