May mga panahon na nahi-hirapan siya dahil nga sa sobrang laki… – Andrea Torres

Paboritong pulutan ng mga kalalakihan ang boobs ni Andrea Torres. Madalas ngang pag-usapan, at minsan sentro nga ng imahinasyon ng karamihan.

May mga pagkakataon nga sa buhay ni Andrea na parang hindi niya type ang ganito kalaking dibdib. Mga panahon na nahi­hirapan siya dahil nga sa ­sobrang laki.

“Nahihirapan akong magdamit. Minsan may gusto akong suutin, hindi ko masuot. Minsan may susuutin ako, na kapag suot ng iba, maganda ang ­dating. ‘Pag sa akin parang bastusin na ang dating, kasi naiiba nga ang form. Mahirap din,” sabi niya nu’ng makausap namin siya ni Rey ­Pumaloy sa guesting niya sa Abante Online show na­ming “Aban­telliling” (mapapanood sa Abante Facebook page, Abante Tonite YouTube channel, at ­@abante_tnt).

Maraming beses na rin daw nangyari na harap-hara­pan ay inaakusahan siyang retokada. Ang iba ay tinatanong talaga siya kung totoo ba ang boobs niya.

“Oo naman totoo naman talaga ito. May mga kasama na ako sa work na nahawakan ‘yan. Like si Tita Dexter Doria, hinawakan ­talaga niya.

“Sabi niya, ‘anak, totoo ba ‘yan?’ ‘Oo naman Tita,’ so hinawakan niya. Tawa kami nang tawa.

“Okey lang naman sa akin ‘pag sinisita nila. Kasi noon pa naman, kahit sa mga baguhang artista, ­kapag malaki ang boobs, iniisip ­talaga ng iba na pina-­enhance lang.”

Hindi ba siya nao-offend na lagi na lang sa boobs niya nakatingin ang mga tao?

“Minsan ganu’n talaga, na kapag may kasalubong ako sa ganyan nakatingin. Minsan naman dahil sa ­image ko, akala nila ganun ang ugali ko.”

Gusto ko maganda ang panty at bra ko sa pagtulog

Anyway, tulad ng ibang kababaihan, may mga nakakakiliting bedroom story rin si Andrea, tulad na lang sa kung ano ba ang suot niya sa pagtulog.

“Ang gusto ko na pantulog ko, ang underwear ko, maganda, may mga lace-lace ­talaga, kahit ako lang ang nakakakita. Mas confident ako kapag maganda ang bra at panty ko.

“Like ‘pag lumalabas din ako, maganda talaga ang bra at panty ko. Parang may secret talaga ako na gusto ko.

“Mahilig talaga ako sa mga may lace na underwear. Nandidiri nga ang stylist ko. ‘Pag nagbibihis ako minsan sa harap niya. Sabi niya, ‘yuck nakakadiri.’ Nai-stress talaga siya. Hahahaha!

“Ang dapat kasi, ‘pag maganda ang panloob mo, gumaganda ang katawan mo,” chika niya.

May katabi rin daw siyang matulog na kasama na niya mula nu’ng paslit pa lang siya.

“May doll ako na 25 years ko na talagang kasama sa pagtulog. Bata pa lang ako kasama ko na siya. Ang dami na nga niyang tahi-tahi.

“Dati pink siya, ngayon gray na siya. Hindi ko talaga siya kayang mawala.

“Rabbit siya na cotton, pero nabawasan na rin ang cotton, kaya iba na itsura niya.

“Pero nu’ng bata ako, ­takot ako sa clown. May movie ako na napanood, ‘yung ‘IT’, natatakot talaga ako sa kanya hanggang ngayon. Hindi ko siya kayang panoorin.”

Babae ang hanap?
‘Hindi ako tomboy!’

May dyowa ka ba ngayon? Bakit parang ang hirap mong hanapin, hindi ka makita ng mga boylet?

“Lagi nga lang ako nasa bahay. Sabi nga ng mga kaibigan ko, ‘yun nga nasa bahay ka, paano ka mali­ligawan? Hindi ako umiiwas sa mga lalake, pero ganu’n talaga ako.

“Pero alam ko na kung ano ang hindi ko gusto. Like ‘pag sinabi ng parents ko na ayaw nila, ayoko na rin agad. ‘Pag negative ang impression ng parents ko sa kanila, hindi ko na pinu-pursue talaga.

“Hindi importante sa akin ang looks, mas importante sa akin ang brains, at ­attitude. Basta okey lang ugali, okey na ‘yon. Siyempre makakasama mo ‘yan habambuhay, kaya dapat mabait.
Baka naman tomboy ka?

“Hindi, ha! Girl na girl ako!

“Mahirap lang talaga makahanap ng ­lalake na swak sa akin. Hindi nga importante sa akin ang looks.”

Anyway, tatlo na ang naging dyowa niya, at kasama nga ang isang taga-showbiz.

“Choppy ka. Hahahahaha!”

Ayaw na ba niya sa artista?

“Hindi naman. Pero ngayon wala kasing nanliligaw sa akin. Mga 4 months ago may nanligaw. Pero, nauwi lang sa friendship. Hindi kami swak, kaya huwag na pilitin. Pero friends kami ngayon.

“Pero if ever na magkaroon nga ako ng panibagong boyfriend, natutunan ko rin na dapat hindi ka grabe ma-in love. Selosa kasi ako,” sabi na lang ni Andrea.

Na-shock sa pambabastos ng foreigner:
‘Nilamutak ang puwet ko!’

Naranasan na rin ni Andrea na bastusin sa isang bar.

“Nahipuan na ako noon ng foreigner. Nu’ng kinausap siya ng mga friends ko, parang kaswal lang niyang sinabi na ‘I find her attractive eh.’ Feeling ko baka sa bansa nila ganu’n. Nu’ng time na ‘yon, parang hindi siya aware na in trouble siya. So, baka nga sa kanila normal ‘yon.

“Na-shock din ako, nagulat ako. Kasi nga nilamutak ang puwet ko. Pero ‘yun nga, balewala sa kanila.”

Isinumbong nga niya sa kasama niya ang pangyayari. Na ang akala nga ng iba, sa itsura ni Andrea, mukha siyang palaban, na kaya niyang ipagtanggol ang pambabastos sa kanya.

“May mga bagay na kaya kong gawin na mag-isa. Pero dependent din talaga ako sa mga kaibigan ko. Hindi kasi ako sociable na tao. Mahiyain kasi ako.

‘Pero kahit ano pa ang sabihin ng iba, dapat hindi talaga bastusin ang kahit na sinong tao. Kasi ‘di ba, parang maliit lang ang tingin nila sa isang tao kapag binastos nila.”

Indecent proposal?

‘Nakaka-offend! Ang baba ng tingin nila sa akin!’

At dahil sa kaseksihan niya, at sa image na rin, marami na nga raw ang nag-attempt na bilhin ang kanyang puri.

“Indecent proposal? Meron na rin siyempre, marami na rin. Close kasi ako sa manager ko, sa handler ko, kaya kapag may mga ganyan, sa kanila ko pinapakausap, na sabihin sa maayos na paraan na hindi ako ganu’n.

“May isa kasi noon na kakilala ko nagpasabi raw na gusto ako. Nasa-shock ako ‘pag ganu’n. And then, may isa naman na may kumuha ng number ko sa iba, kaya nagugulat ako.

“Nakaka-offend sa totoo lang. Kasi siyempre, ganu’n lang ba ang tingin nila sa akin? Hindi maganda, ‘di ba?

“Ang mga offer nila, more on mga ibibigay na bagay, at ‘yung iba kung ano ang gagawin nila o kaya nilang gawin para tulungan ako. May mga nag-o-offer na bigyan ako ng condo.”

Mapapanood ang buong ­interview kay Andrea sa Facebook page Abante News Online at YouTube channel Abante Tonite at bisitahin din ang website na tnt.abante.com.ph.

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
Abante
Andrea hirap sa malaking boobs