Scholarships, Tulong, at Benepisyo para sa Pamilya ng nasawing OFWs sa Taiwan, tiniyak ng DOLE..

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang ayuda para sa mga biktima at pamilya ng mga nasawi matapos  bumagsak ang tulay sa Nanfang-ao, Yilan County, sa Taiwan kahapon.

Kumpirmadong nasawi sa insidente ang dalawang Pinoy na sina Andree Abregana Serencio at Gorge Jagmis Impang habang patuloy naman ang search and retrieval operation ang  isa pang Pinoy na si Romulo Ilustrisimo Escalicas Jr.

Habang limang iba pa ang nasugatan at dinala sa hospital na kinilala na sina Julio S. Gimawa, Jason N. Villaruel, Allan H. Alcansano, John Vicente Royo at June B. Flores.

Agad namang binigyan ng mga opisyal ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) ng ayudang pang-personal na pangangailangan ang mga biktimang sugatan nang bisitahin sila sa hospital.

Habang ang Philippine Labor Office sa Taiwan ay inaayos na ang repatriation ng mga labi nina Serencio at Impang.

Ipinag-utos na rin ni DOLE Secretary Sylvestre Bello na ibigay ang lahat ng posibleng tulong at benepisyo sa pamilya ng mga nasawi kabilang dito ang scholarship sa kanilang mga anak.

Kaugnay nito, nagpabatid na rin ng pakikiramay si Bello sa pamilya ng mga nasawi. 

Jocelyn Tabangcura-Domenden

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
Remate
Ayuda sa nasawing OFWs sa Taiwan bridge incident, tiniyak ng DOLE