IGNORANT? U.S. Senator Patrick Leahy, pinalagan si Presidential Spokesperson Salvador Panelo…

Manila, Philippines – Pinalagan ng campo ni United States senator Patrick Leahy ang pahayag ni presidential spokesperson Salvador Panelo matapos niya tawaging ‘ignorante’ ang Vermont lawmaker sa pagsasabing ang pagkakakulong kay Sen. Leila de Lima ay isang ‘wrongful imprisonment.’

“As Mr. Panelo knows, human rights are universal, and each of us has a responsibility to defend them. Rather than respond to his personal attacks, we would refer him to the Trump administration’s latest human rights report of the US State Department on the Philippines,” pahayag ng spokesman ni Leahy na si David Carle.

Ang extrajudicial killings, pag-aabuso ng mga karapatan, at mga paninindak sa mga independent media ay nagpapatuloy sa ilalim ng Duterte Administration taong 2018, ani ng US sa Human Rights report nito.

“Corruption through nepotism, personal connections and sometimes bribery continued to result in relative impunity for wealthy or influential offenders,” sabi ni Carle.

Binanggit din sa report na ang pagkaka-aresto kay De Lima, sinasabi nitong gumamit ang mga prosecutor ng sandamukal na legal tactics para mapa-delay ang kanyang arraignment.

“Her case attracted widespread domestic and international attention, with many observers denouncing the charges as politically motivated,” sabi sa report.

Hinihimok ng kampo ni Leahy ang PH government na bigyan si De Lima ng isang patas na trial.

“If the evidence is as strong as Mr. Panelo claims, then the government should promptly produce it in a fair, public trial, as due process requires, so Senator De Lima can defend herself,” ani Carle.

Nakakulong si De Lima noon pang Pebrero 2017 para sa alegasong pagbubulsa ng mga drug payoff mula sa mga convicted crime lords noong siya pa ang justice secretary – isang alegasyon na tinawag na ‘political persecution’.

Maaalalang sinupalpal na ni Leahy si Panelo sa pagsasabing nangengeelam ang US sa Pilipinas dahil sa ipinropose na travel ban sa mga opisyal na sangkot sa pagkakakulong ni De Lima.

“…When Philippine officials abuse the justice system for the purpose of political retribution, we have a responsibility to respond,” ani Leahy. 

Remate News Team

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
Remate
US Sen. Leahy, pinalagan si Panelo