BREAKING NEWS: Pekeng Gamot talamak sa Shopee, Lazada?

NAGBABALA si Party-list Rep. Jericho Nograles (Puwersa ng Bayaning Atleta) na maaring sumabit ang mga sikat na online sel­ling portal kagaya ng Lazada at Shopee dahil sa pagbebenta ng mga peke at regulated na gamot kahit walang sapat na pahintulot.

Ayon kay Nograles, talamak ang bentahan ng iba’t ibang klase gamot, vitamin capsules, at iba pang klaseng food supplements ang inilalako sa mga nasabing online selling platforms kahit walang sapat na pahintulot mula sa Food and Drug Administration (FDA) at Department of Health (DOH).

Bukod sa walang sapat na pahintulot, naka-tanggap din ng mga sumbong ang kongresista sa umano’y mga nakabili ng pekeng gamot sa Lazada at Shoppee.
“What if you get poisoned because the drug you ingested was not FDA-approved?” saad ni Nograles.

Talamak din umano ayon kay Nograles sa mga nasabing online shopping portal ang mga medical at beauty item na itinuturok na dapat ginagawa lamang ng mga lisensyadong manggagamot.

“What if a person dies because the glutathione drip that purchased online was fake or improperly administered? Who takes responsibility?” giit ni Nograles.

Ang mga HIV Rapid Test Kit na ipinagbawal sa merkado ng DOH dahil sa panganib na dulot nila kung hindi itinapon nang maayos ay maari din mabili sa Lazada at Shopee base sa pagsasaliksik ng party-list congressman.

“HIV testing is supposed to be only done in DOH designated centers so that the lancets and other bio-hazar­dous wastes are pro­perly disposed of…. I’m really surprised to find out that this is being sold commercially on these online selling sites because the DOH is active in policing the sale of rapid test kits,” saad ni Nograles.

Laganap din umano ang pagbebenta ng mga ipinagbabawal na sandata kagaya ng pana, CO2 guns, at iba’t ibang klase ng tactical/huntin­g knife sa Lazada at Shoppee.

“These sites sell contraband and regulated items without even requiring the buyer to show proof of that he is already a responsible adult and has no criminal record,” paliwanag ni Nograles.

Ayon kay Nograles, napapanahon na upang bumalangkas ang Kongreso ng mga batas na maghihigpit sa online shopping industry hindi lamang para sa seguridad ng publiko kung hindi para masigurado na nagbabayad ang mga seller ng tamang buwis. 

— JC Cahinhinan

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
Abante
Pekeng gamot talamak sa Shopee, Lazada