2 Wanted na Dayuhan mula sa Amerika at China, arestado sa Pilipinas…

INIULAT ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakaaretso ng dalawang puganteng dayuhan mula sa Estados Unidos at China na wanted ng mga awtoridad sa kanilang mga bansa dahil sa iba’t ibang mga kaso.

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang Amerikano na si Arthur Mark Curts, 61-anyos, at Chinese national na si Dong Jinxi, 66, na hinuli sa lalawigan ng Cebu.

Unang inaresto ng mga operatiba mula sa fugitive search unit si Curts sa bayan ng Liloan noong Setyembre 21 sa koordinasyon ng US Diplomatic Security Service-Overseas Criminal Investigations at ng Liloan Police Station. Samantalang hinuli si Dong sa pamamagitan ng pakiki­pag-ugnayan sa Chinese Ministry of Security at sa City Investigation and Detective Management Branch sa Mandaue City Police Office sa tinutuluyan nitong five-star hotel sa Mandaue City.

“They will be deported for being undesirable aliens and for being undocumen­ted as their passports were already cancelled by their respective governments,” ani Morente.

Ayon sa BI chief, si Curts ay binabaan ng arrest warrant ng isang US district court sa Florida sa pagnanakaw ng mga pondo ng gobyerno at paggawa ng maling paha­yag na paglabag sa 18 US Code Sec 1001.

Si Dong naman ay wanted sa smuggling at may nakaabang na warrant of arrest na inilabas ng isang korte ng China. Una nang naglabas ng summary deportation order ang BI laban kay Dong noong Abril 26 ng taong ito.

“We will also include them in our blacklist to prevent them from re-ente­ring the Philippines.” wika pa ni Morente.

— Mina Aquino

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
Abante
2 takas na dayuhan nasakote sa Cebu