Inamin din ng Suspek na nakainom siya nang pumunta sa bahay ng Pinsan…

Napatay noong gabi ng Lunes ang isang 15 anyos na lalaki matapos mabaril. Ang pinsan ng biktima ang itinuturo sa insidente sa bayan ng Maasin, Iloilo.

Nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng 2 kamag-anak ng biktima habang nag-iinuman sila sa bahay sa Barangay Abilay pasado alas-8 ng gabi, ayon sa imbestigasyon ng Maasin police.

Pumagitna ang biktima sa 2 kaanak para awatin ang mga ito nang dumating ang suspek, 39 anyos, at nagpaputok ng baril, ayon sa pulisya.

Natamaan ang biktima, na dinala sa ospital pero idineklara ring dead on arrival.

Naaresto ang pinsan pero itinanggi niyang siya ang nagpaputok ng baril.

Sa panayam ng ABS-CBN News, sinabi ng suspek na pumunta siya sa bahay ng biktima nang marinig ang putok ng baril.

Inamin din ng suspek na nakainom siya nang pumunta sa bahay ng pinsan.

Pero ayon sa Maasin police, ilang testigo ang nakakita sa suspek na nagpaputok ng baril.

Desidido ang ibang kaanak ng biktima na kasuhan ang suspek. 

— Ulat ni Joyce Clavecillas, ABS-CBN News

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
ABS-CBN
Teenager patay sa pamamaril; pinsan sinisisi