Mistulang hindi talaga matanggap ni Ressa ang katotohanan…

Manila, Philippines – Kinontra ng Malakanyang ang patuloy na pagbanat ni Rappler CEO Maria Ressa kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na mistulang hindi talaga matanggap ni Ressa ang katotohanan na sa kabila ng mga batikos ay pinagkakatiwalaan pa rin ng mayoryang  Pilipino si Pangulong Duterte.

Ayon kay Andanar, tanging si Pangulong Duterte lamang ang may ganitong kataas na tiwala ng  taumbayan na magbibigay talaga ng  tunay na pagbabago at pinatunayan aniya ito ng patuloy na mataas na satisfaction rating  ni Pangulong  Duterte sa mga survey.

Iginiit ni Andanar na ang figure ng mga survey ang magpapatunay kung saan lumalabas na 80% ng mga Pinoy ang nasisiyahan sa mga ginagawa ng pangulo habang  85% ang patuloy na nagtitiwala sa administrasyon nito.

Dagdag pa ni Andanar, walang basehan ang mga batikos ni Ressa sa kampanya kontra drugs ni Pangulong  Duterte at bilang patunay ay ang  82% ng mga Pinoy na nasisiyasahan sa kampanya ng pangulo.

Base sa alegasyon ni Ressa, nasa 27,000 na ang napapatay sa war on drugs campaign ni Pangulong Duterte  pero ayon kay Andanar, ito ang kabuuang bilang ng mga homicide cases na karamihan ay walang kaugnayan sa mga anti-drug operations. 

Kris Jose

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
Remate
Patuloy na pagbanat ni Rappler CEO Ressa kay PDU30, sinalag ng Malakanyang