Sinabi ni Sen. Pacquiao na isang panukalang maka-mahirap ang Malasakit Center Act

Manila, Philippines – Umani ng suporta ang panukala ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na magtayo ng Malasakit Center sa bawat pagamutan ng Department of Health na nakapaloob ng Senate Bill No. 1076 o “An Act Establishing Malasakit Centers in All Department of Health Hospitals.”

Sa ginanap na plenaryo nitong Lunes, pormal na sumuporta sa Malasakit Center Bill ni Go sina Senador  Cynthia Villar, Manny Pacquiao, Sherwin Gatchalian, Sonny Angara, Bong Revilla, Francis Tolentino, Ronald dela Rosa, Imee Marcos, Joel Villanueva at Juan Miguel Zubiri.

Sinabi ni Pacquiao na isang panukalang maka-mahirap ang Malasakit Center Act habang pinuri din ito ni Gatchalian sa pagsasabing  “it is a good mechanism to bring down national government services to all the way down to our constituents.”

Ayon naman kay Angara, makikinabang dito ang mahihirap dahil maraming mamamayan na mula sa Maguindaoa ang nagpupunta sa Philippine General Hospital para lamang magpagamot.

 “Ramdam po natin ang malasakit ng panukalang batas na ito sa mga mahihirap kaya I fully support this measure,” ayon kay Revilla.

Naniniwala naman si Tolentino na itinataguyod ng Malasakit Center ang probisyon sa Saligang Batas na protektahan ang kalusugan ng Filipino at ito ang tungkulin ng mga mambabatas na isulong ang batas tulad ng Malasakit Center Act na magtataguyod sa prinsipyo ng Konstitusiyon.

“Those who have less in life should have more in law,” ayon kay Marcos.

Sa kanyang sponsorship, sinabi ni Go na aayudahan ng panukala ang Universal Health Care (UHC) sa pamamagitan ng pagbibigay ng medical assistance at accessible healthcare sa lahat ng Filipino.

“Earlier this year, President Rodrigo Duterte signed into law Republic Act No. 11223 or the ‘Universal Health Care Act,’ in effect making all Filipino citizens members of the National Health Insurance Program or PhilHealth,” ayon kay Go.

Idinagdag pa ni Go na inaasahang magkakaroon ng reporma sa health system ng bansa sa pagpapatupadm ng UHC sa pamamagitan ng pagpapahusay ng paghahatid ng serbisyo, pagbibigay ng malaking insurance benefigts at sakop at tutugon sa puwang ng health workers sa buong bansa. 

Ernie Reyes

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
Remate
Go: Malasakit Center Law, umani ng suporta sa Senado