Binabalaan ng mambabatas ang Lazada, Shopee, Carousell at iba pang online shopping platforms…

Manila, Philippines – Binalaan ni PBA Partylist Rep. Jericho Nograles ang mga online selling sites na nagbebenta ng mga peke at piniratang produkto lamang.

Pangunahing binabalaan ng mambabatas ang Lazada, Shoppee, Carousell at iba pang online shopping platforms na papapanagutin sila sa mga ibinebentang pekeng produkto at iba pang pirated consumer goods.

Ikinagulat ni Nograles na nang pag-aralan niya na bukod sa mga pekeng produkto ay meron ding mga drug parapharnalia ang tipong inilalako ng isang online selling platforms, mga gamot para sa tao at hayop, mga armas, gun replicas at iba pa.

“Medical and beauty items requiring subcutaneous injections that are supposedly administered by licensed doctors and medical professionals are openly sold on these online selling sites,” ani Nograles.

Maging ang mga vitamins, food supplement at antibiotics ay naibebenta na rin sa mga online selling sites nang walang katiyakan kung ang mga produkto ay pumasa sa Food and Drugs Administration at Department of Health.

Nangangamba si Nograles na malason o labis na makaapekto sa tao ang mga droga na hindi dumaan sa FDA.

Ang masakit aniya ay paano kung mamatay ang gagamit ng glutathione drip na binili sa online dahil sa ito ay peke o hindi tama ang paggamit at sino ang mananagot dito.

“Even the HIV Rapid Test Kit which has been banned for commercial sale by the DOH are being sold in these online selling platforms.  HOV Testing is supposed to be only done in DOH designated centers so that the lancets and other-bio hazardous wastes are properly disposed of.” 

Dahil dito, maghahain si Nograles ng mga panukalang batas para sa regulasyon ng mga online selling sites para sa proteksyon ng mga mamimili at masiguro ng gobyerno na sapat ang buwis na ibinabayad ng mga ito. 

Meliza Maluntag

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
Remate
Online selling sites, na nagbebenta ng mga pekeng produkto, gamot parusahan-Rep. Nograles