“…They’re very good friends. Nagkakaintindihan po sila. They are both strong leaders,” — Senator Bong Go

Manila, Philippines – Kapwa tinawag na “strong leaders” ni Sen. Bong Go sina President Rodrigo Duterte at Vladimir Putin ng Russia na nakatakdang magkita sa Moscow.

Ayon kay Sen. Go, asahan na lalagda ang Pilipinas sa ilang kasunduan na magpapatibay sa relasyon ng dalawang bansa kasabay ng five-day official visit ni Pangulong Duterte sa Russia. 

Anang senador, magkakaroon ng bilateral meeting sina Duterte at Putin at dadalo ang dalawa Valdai Forum sa Sochi.

“I’m sure marami silang pag-uusapan to improve the relations between our two countries and malaki rin po ang tulong ng bansang Russia dun sa giyera sa Marawi,” ani Go.

Sinabi ng senador na asahan ding tatalakayin ng dalawa ang hinggil sa security and defense, economic cooperation, trade and investment at marami pa. 

“Layunin ng visits ang mas paigtingin ang relasyon ng Pilipinas sa Russia. Malawak at marami ang oportunidad. Maganda rin na magkaibigan na sina Pangulong Duterte at Pangulong Putin. I was there during their first bilateral (meeting). They’re very good friends. Nagkakaintindihan po sila. They are both strong leaders,” ani Go. 

Samantala, bilang pagtupad sa kanyang pangako na tutulungan ang mga nangangailangan, binisita ni Sen. Go ang mga residenteng nasunugan sa Barangay Macabling sa Sta. Rosa City, Laguna.

Umaabot sa 31 pamilyang naapektuhan sa 28 bahay na nasunog ang binigyan ng medikal, groceries at pinansiyal na tulong ng senador.

“Pitong araw naman sa isang linggo, apat na araw sa Senado, sa mga ganitong araw po na pwede akong magpahinga, hindi na po ako magpapahinga, ilalaan ko na lang po sa mga tao,” ayon kay Go.

“Representative kami ng mga tao, importante marinig po ang hinaing nila, tulad dito sa mga nasunugan at maiparating agad sa taas kung may problema,” anang senador. 

Kasama ni Sen. Go ang mga kinatawan ng  government agencies sa pamamahagi ng tulong sa mga biktima, gaya ng National Housing Authority (NHA), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP).

Sinabi ni Go sa mga nasunugan na siya na ang sasagot sa transportasyon at iba pang bayarin ng mga nangangailangan ng medical assistance at check-up sa mga health specialists.

“Sabi ko nga, kung sino ang gustong magpagamot at kailangan ng espesyalista, dadalhin ko po sa Maynila at ako na po magpapagamot sa kanila. Ako na magpapaopera sa kanila. May mga Malasakit Centers din tayo,” paliwanag ni Go. 

RNT

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
Remate
Duterte, Putin strong leaders-Bong Go