May pahintulot si Pangulong Duterte…

Manila, Philippines – Inatasan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan kabilang na ang government owned o controlled corporations, na suportahan ang pag-host ng Pilipinas sa 10th Association of Southeast Asian (Asean) Para Games.

Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 67, na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea na may pahintulot ni Pangulong Duterte noong Setyembre 26, nakasaad dito na ang lahat ng government agency at instrumentality ay kailangan na mag-extend ng kanilang suporta sa Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Paralympic Committee (PPC) bilang paghahanda, pag-organisa at hosting ng nasabing event.

Ang Asean Para Games ay biennial, multi-sport event na inorganisa ng Asean Para Sports Federation para sa mga atletang may “physical, visual, or intellectual disabilities”.

“The successful organization and hosting of the 10th Asean Para Games requires the involvement, coordination and support of concerned government agencies, the different national sports associations, local government units, and the private sector,” ang nakasaad sa memorandum circular.

At upang masiguro ang maayos na hosting ng event, inatasan ng memorandum ang PSC, PPC at ang lahat ng concerned national sports associations na mag- coordinate at suportahan ang bawat isa at magtulungan para sa buo at epektibong partisipasyon ng Philippine delegates sa mga nasabing events.

“All departments, bureaus, agencies, and instrumentalities of the government, including government-owned or controlled corporations and state universities and colleges, are directed to render full support and assistance, consistent with their respective mandates to the PSC and the PPC,” ang nakasaad pa rin sa memorandum.

Samantala, ang local government units, non-government organizations, private business sector, educational institutions, at general public ay hinihikayat na makipagtulungan at sumusporta para matiyak ang matagumpay na pagdaraos ng naturang event. Ang New Clark City sports complex ang magsisilbi bilang main venue ng Asean Para Games kung saan ang bansa ang magho- host para sa pang-apat na pagkakataon bago matapos ang taon.

Kris Jose

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
Remate
PDu30 sa lahat ng ahensiya ng gobyerno: Suportahan ang PH hosting sa Asean Para Games