BUKING KA NA! DILG Sec. Año may direktang banat kay CPP-NPA Leader, Joma Sison…

Manila, Philippines – “A criminal and a terrorist like him can never be considered a political refugee.”

Ito ang direktang banat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año ngayong kay Communist Party of the Philippines (CPP) leader Joma Sison.

Dagdag pa ng dating AFP Chief na mistulang nagha-halucinate si Sison nang sabihin niya na mayroon siyang “absolute protection” sa kanyang pagkaka-exile sa Netherlands bilang isang political refugee.

“Ang isang kriminal ay hindi kailanman puwedeng ituring na political refugee. Ang isang mass murderer ay hindi puwedeng maging refugee. Buking ka na, Joma, kaya panagutan mo ang mga kasalanan mong pagpatay sa mga kapwa mo Pilipino,” diin pa ni Año.

Kailan lang ay ibinaba na ng Manila Regional Trial Court ang isang warrant of arrest laban kina Sison, asawa nito at 35 pang co-accused sa Inopacan massacre, o ang pagpatay sa mga miyembro ng CPP/NPA na nagkasala na nadiskubre sa mass grave sa Inopacan, Leyte noong 2006.

Sa isang pahayag, sinabi ni Sison na hindi naiintindihan ni Interior Secretary Eduardo Año ang political refugee status sa The Netherlands.

Giit pa nito, pinoprotektahan siya ng Geneva Refugee Convention at ng European Convention on Human Rights.

“As a recognized [political refugee] I am well protected by the Geneva Refugee Convention and by the European Convention on Human Rights whose Article 3 gave me absolute protection from being put at any risk of being subjected to torture and other inhumane and cruel treatment,” ani Sison.

READ: Joma Sison nanindigang ‘di babalik ng bansa

Tinawag naman ni Año na duwag si Sison dahil sa hindi nito pagharap sa kanyang mga kasalanan sa bansa.

 “Duwag ka, Joma. Now that you are in the last few years of your life, do something right for a change, own up to your sins against the Filipino people and face the charges against you and give justice to the victims of the Inopacan massacre, among many others.”

Sinabi rin ni Año na paso na ang “political refugee” status ni Sison dahil kabilang na sa listahan ng terorista ang CPP/NPA sa ilang bansa tulad ng EU.

 “Wala ng rason pa para kanlungin pa ng Netherlands si Joma dahil ang Pilipinas at ang EU mismo kung saan kasapi ang Netherlands ay nagsasabing isang terrorist organization ang CPP na pinamumunuan ni Sison. Ang ibig sabihin si Sison ay isang terorista na hindi kailangan binibigyang proteksyon ng kahit sino mang gobyerno,” giit ni Año.

“Sumisikip na ang mundo mo, Joma. Malapit na ang araw ng pagtutuos para sa mga kasalanang ginawa mo sa ating bansa at sa mga biktima ng Inopacan massacre,” banta pa ni Año. 

FULL STORY HERE
Remate
Año kay Joma: ‘Sumisikip na ang mundo mo. Malapit na ang araw ng pagtutuos”