BREAKING NEWS: Preliminary Investigation sa “Bikoy” Sedition Case, dedesisyunan na!

Manila, Philippines – Dedesisyunan na ng korte ang kasong sedition na isinampa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) laban sa 36 na opposition figures na nag-ugat sa mga isiniwalat ni Peter Joemel Advincula alyas “Bikoy” sa “Ang Totoong Narcolist ” video.”

Ito ay matapos na maisumite ng prosecution panel ng Department of Justice (DOJ) para sa resolusyon matapos na makapagpasa na ng kanya-kanyang counter-affidavits ang mga respondents sa kaso.

Sa ilalim ng regulasyon, mayroong 60 araw ang prosecution para desisyunan ang kaso kung idi-dismiss ba ito o itataas na sa korte.

Noong nakaraang linggo, hiniling ni Assistant Solicitor General Angelita Villanueva-Miranda ang DOJ panel na irekunsidera ang pag-subpoena kina Jude Sabio, abugado ni Senator Antonio Trillanes; Davao businesswoman Guillermina Barrido; at consumer advocate Perfecto Jaime Tagalog para makuwestsyon sa pagdinig.

Kasunod ito nang mga bagong ebidensya na lumutang sa kasong sedition, inciting to sedition, cyber libel, libel, estafa, harboring a criminal/obstruction of justice cases na isinampa ng CIDG.

May ipinasa kasing sinumpaang salaysay sina Barrido at Tagalog sa PNP na makapagpapalakas sa initial complaint ng PNP-CIDG.

Kasama sa mga akusado sina Vice President Leonor Robredo, former senator Antonio Trillanes IV, Eduardo Acierto, Senators Ana Theresia N. Hontiveros-Baraquel, former Integrated Bar of the Philippines (IBP) president Abdiel Fajardo, IBP president Domingo Egon Cayosa, former Supreme Court spokesperson Theodore Te, lawyers Minerva Ambrosio, Serafin Salvador, and Philip Sawali.

Senatorial candidates sa nakaraang eleksyon na sina Samira Gutoc-Tomawis, Paolo Benigno A. Aquino, lawyer Lorenzo “Erin” R. Tañada III, Florin Hilbay, at Romulo Macalintal at iba pa ay kasama rin sa akusado. 

FULL STORY HERE
Remate
Preliminary investigation sa sedition case ukol sa “Bikoy” isyu, dedesisyunan na