SABAY NA SOLUSYON? Murang Bigas para sa mga Pilipino at Sapat na Buying Price para sa mga Magsasaka…

Manila, Philippines – Magpapaulan ng milyong sakong bigas sa merkado ang National Food Authority ayon sa Department of Agriculture na tatagal hanggang Oktubre 10 ngayong taon.

Sa isang presscon na ginanap sa Quezon City, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na ipapakalat ang nasa 3.6 milyong sako ng mura at imported na NFA rice sa mga palengke sa bansa.

Mabibili ang bigas sa P25 per kilo para sa wholesale, at P27 per kilo naman sa retail price.

“The 3.6 million bags of imported rice will be out in the markets and this will be done for one month starting today,” anang kalihim.

“We would like to believe that flooding the market with 3.6 million bags of rice will have a further impact.”

Dahil dito, inaasahan ng NFA na bababa naman ang P40 kada kilong presyo ng commercial rice sa mga pamilihan.

 “The reasonable price of rice in the markets should fall within P32 to P34 per kilogram, but if you look at the markets now, ang pinakamababa is P40,” ayon kay NFA Administrator Judy Carol Dansal.

“Ang nakikita namin that would be good news if the price of rice in the market would be P32 to P34. Mag-equal man lang sa P32 to P34 is already a reasonable price for the consuming market,” dagdag pa niya.

P4.86 bilyon naman ang inaasahang kikitain ng NFA sa bagbebenta ng 3.6 milyong sako ng bigas.

Ang pondong malilikom dito ay gagamitin naman sa pagbili ng palay ng mga lokal na magsasaka.

Matatandaang direktang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang DA na bilhin ang palay ng mga magsasaka kasunod ng ulat na bagsak presyong P7 hanggang P10 kada-kilong presyo nito. 

FULL STORY HERE
Remate
3.6M sako ng murang bigas, ikakalat ng NFA; Pondong malilikom, ibibili ng palay ng lokal na magsasaka