BREAKING NEWS: Ito ang irerekomenda ni Senator Bong Go na papalit kay Nicanor Faeldon sa BuCor…

Manila, Philippines – Kung siya lamang ang masusunod, gusto ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na “killer” ang ipalit kay dating Undersecretary Nicanor Faeldon bilang director general ng Bureau of Corrections (BuCor).

Sa panayam,sinabi ni Go na aminado siyang napupundi na si Pangulong Rodrigo Duterte sa malaking  problema na kinahaharap sa BuCor.

Aniya na mahirap ang problema ng BuCor lalo na at marami ang kakutsaba sa mga nangyayaring iligal sa loob ng New Bilibid Prison.

“Kung ako ang magrerekomenda sa pangulo kung sino ang ipapalit bilang hepe ng BuCor, dapat na mamuno doon ang isang “killer”,” giit ni Go.

Hindi naman idinetalye ni Go ang tinutukoy niyang “killer” na hepe basta ang mahalaga aniya ay qualified itong i-appoint ng pangulo.

Samantala, muli namang tiniyak ni Go ang seguridad sa mga mayroong nalalaman sa mga anomalya at iligal na gawain sa loob ng BuCor.

Ayon kay Go, nakausap na niya si Justice Secretary Menardo Guevarra at nakatakda silang bumuo ng task force upang tulungan naman ang mga matatandang preso.

Sinabi ni Go na layon ng task force na mapadali ang pagproseso sa paglaya ng mga qualified sa GCTA law.

Ito ay kasunod ng pagkakatuklas niya na marami ding bilanggo ang matatanda na at may sakit ang nananatili sa NBP.

Inihayag ni Go na nagkausap na rin sila ni Health Secretary Duque para naman mabigyang atensyon ang mga may sakit na bilanggo. 

Ernie Reyes

.

.

.

FULL STORY HERE
Remate
‘Killer’ gustong ipalit ni Go kay Faeldon sa BuCor