KALOKOHAN NG GCTA LAW, BuCOR. Kaso ni Janet Lim Napoles, pinalitan sa listahan!

Manila, Philippines – Sa kalagitnaan ng kontrobersiya dahil sa maling pagpapatupad ng good conduct time allowance (GCTA) law, natuklasang kasama sa listahan ng makalalaya sana ang tinuturing na pork barrel queen na si Janet Lim Napoles.

Nakasaad sa listahan ng mga pinalayang inmates dahil sa GCTA na hawak ng Senado ang pangalan ni Napoles na makalalaya sana.

Si Napoles ay sinintensyahan ng habambuhay na pagkakakulong noong Disyembre 2018 lang dahil sa mga bogus na non-government organizations na pinadaanan ng milyon-milyong priority development assistance fund (PDAF).

Pero sa listahan ng Bureau of Corrections, rape ang kasong kinahaharap ni Napoles.

Lubos na nadismaya naman si Senate blue ribbon committee chairman Richard Gordon. 

“The next question is we want to see whether they have already a recommendation for early release. That is already a recommendation for release andiyan na siya (Napoles) sa listahan,” ani Gordon sa ABS-CBN News. 

“Bakit nila pinapalitan ‘yung charges? Paano naman makakapag-rape si Napoles?” 

Base din sa ulat na marami pang nakitang pagkakamali sa listahan, ang ilan dito ay doble dobleng pangalan.

Sinabi naman ni Justice Undersecretary Deo Marco, na namumuno sa komite na nag-aaral ng regulasyon sa BuCor, na kanya itong ipatsi-check sa BuCor kung bakit rape ang nakalagay na krimen ni Napoles. “Siguro kailangan nating i-verifyiyan sa BuCor to investigate kung paano siya nasama sa listahan with a crime she supposedly did not commit,” ani Marco. 

.

.

.

FULL STORY HERE
Remate
Napoles napasama sa listahan ng lalaya sana dahil sa GCTA; Pero kasong nakalista, ‘rape’