ANG BUONG KWENTO. Video Footage ng CCTV sa CR incident ni Greg “Gretchen” Diez at Janitress, lumabas na!

And the plot thickens…

Hawak na ni Senate President Tito Sotto ang kopya ng CCTV footage na nagpapakita sa mga unang pangyayari sa comfort room ng Farmers Plaza Mall na kukumpleto sa puzzle ng Facebook live video ng transgender woman na si Gretchen Diez.

Sa panayam ni Ted Failon ng DZMM kay Sotto kahapon, August 19, detalyadong ikinuwento nito ang mga napanood niya sa CCTV footage.

“May pila sa ladies’ room. Paglabas nung isang babae, nagreklamo sa dalawang janitress na may lalaki sa loob. Parang ganun ang sinasabi.

“Hindi naman nila pinansin kasi wala naman silang nakitang hitsurang lalaki.

“May isa pang sumunod, nagturo na sa linya daw, hindi raw babae, nakabihis na babae.

“Nilapitan nung janitress, sinabi sa kanya na, ‘Huwag na lang dito dahil may nagrereklamo.’

“Itinuro siya dun sa PWD, or doon sa other nila, third toilet nila,” kuwento ni Sotto.

Binanggit din ng senador na dinala ng janitress si Diez sa toilet para sa mga PWD pero okupado ito.

Iniwanan na ng janitress si Diez, pero nang bumalik siya, nag-umpisa nang mag-Facebook live video ang tran swoman.

Sabi ni Sotto, “Sa mga kababaihan, bihira ako makarinig na babae na natutuwa na mayroon, let’s say, lalaking nakabihis-babae sa loob.

“Iba ang sitwasyon ni Congresswoman Geraldine Roman. Siya’y babae na, e.

“So, walang problema sa kababaihan.

“Pero paano yung mukhang lalaki, na lalaki pala… they feel awkward. Marami ang nagsasabi sa amin.”

Ang CCTV footage ang magpapatunay na ginawa ng janitress na si Chayra Ganal ang kanyang mga responsibilidad.

Pero humantong ito sa confrontation nila ni Diez dahil hindi niya nagustuhang kinukunan siya ng video ng trans woman via Facebook live.

NEWFOUND FAME

Meanwhile, sinusulit mabuti ni Diez ang newfound fame sa pamamagitan ng mga Facebook post niya tungkol sa mga VIP na kanyang nakilala nang personal mula nang pumutok ang isyu:

Ang pagpupulong nila ni President Rodrigo Duterte sa Malacañang Palace, ang kanyang pagdalo ngayon sa Senate hearing tungkol sa equality issues, ang mga hashtag na #IwontBeSpeechless, #StopVictimBlaming, at ang pictorial niya sa loob ng women’s comfort room habang nasa akto siya na magpapahid ng lipstick.

Ilan lamang ito sa mga alarming sign na nag-e-enjoy na siya sa natatanggap na public attention na normal na inaasal ng isang nobody to somebody.

Dahil sa mga social media post ni Diez, nagbabago na ang ihip ng hangin, negative na ang karamihan sa mga comment tungkol sa kanya na, surprisingly, nagmumula rin sa ibang mga miyembro ng LGBTQIA+ community.

Pinararatangan na si Diez na uhaw sa publicity at famewhore, samantalang nadaragdagan naman ang sympathizers ng janitress na si Ganal na ipinananawagan na dapat mabigyan din ng hustisya dahil sa mga batikos at panghuhusga na natikman niya.

FULL STORY HERE
PEP
CCTV footage ng CR incident ni Gretchen Diez, lumabas na