KAHIT BOSSING KA PA. Mataas na Opisyal sa Gobyerno, tinanggal ni Pangulong Duterte…

Manila, Philippines- Sinibak na sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang executive director ng Pasig River Rehabilitation Commission na si Jose Antonio Goitia.

Ayon kay Sec. Panelo, ang pagsibak kay Goitia ay may kinalaman sa kampanya ng Chief Executive laban sa katiwalian.

“We advise Mr. Goitia to turn over all official documents, papers and properties in his possession to the Office of the Deputy Executive Director for Finance and Administrative Services of the Commission,” ayon kay Sec. Panelo.

Malinaw lamang aniya na hindi kinukunsinti ng pamahalaan ang korapsyon sa anumang public service sa bansa.

“We hope that this shall serve as another example that this administration does not —and will never —tolerate corrupt practices in the bureaucracy and in public service,” anito. 

Kris Jose

FULL STORY HERE
Remate
PRRC Director, sinibak ni PDu30