YAN ANG PINOY! Strawberry Tsampurado, patok sa mga Turista at Residente sa Baguio…

BAGUIO CITY — Patok sa mga turista at residente ang tsampuradong tinimplahan ng strawberry na iniaalok ng isang hotel sa lungsod na ito.

Nasa P99 ang presyo ng kada bowl ng strawberry tsampurado na iniaalok sa Le Monet hotel sa Camp John Hay.

Ayon kay Jeffrey Santos, inimbento niya ang strawberry tsampurado para mapukaw ang panlasa ng mga Pinoy, lalo at nauuso ang naturang putahe ngayong tag-ulan.

“Tinry po namin gawin kasi iba sa panlasa ng Pinoy,” ani Santos sa panayam ng ABS-CBN News.

“Ngayong tag-ulan mas gugustuhin nilang kumain ng tsampurado na strawberry at hindi chocolate,” aniya.

Kabilang sa sangkap ng likha ni Santos ang strawberry, strawberry syrup, gata, gatas at white chocolate.

FULL STORY HERE
ABS-CBN
Strawberry tsampurado patok sa mga turista, residente sa Baguio